Mula't sapul sa pagkabata, mahilig na akong itala ang mga ordinaryo o kakaibang pangyayari sa aking buhay, maging aking mga panalangin at kahilingan ay sadya kong inililista at itinatago sa ilalim ng aking tokador. Nakakatuwang balikan ang mga pangyayari sa nakaraan. Di pa man uso ang mga blogsite nuon... may diary naman na may susi, may mga scented notebooks na patok na patok pagsulatan ng mga lihim at kakatuwang eksena sa buhay. Nag-umpisa akong humiling na sana maging Princess of the Flower at maging si Yellow Four ng Bioman hanggang sa humiling ako ng lifetime partner. Ang kapanapanabik sa buhay ko mula pagkabata ng makagat ako ng aso, mabulutong , ang first dance at puppy love ko nung ako ay elementary hanggang sa mag kolehiyo at humiling na pumasa sa Pol Scie at Labor Laws ay per letrang nakatitik sa aking diary. Sa lahat ng hiling na SMART ( meaning specific measurable attainable realistic at timebound, at hindi yung panaginip) ay nagkatotoo. Di man ako naging princess of the flower e prinsesa naman ang tingin sa akin ng magulang at asawa ko. di man ako naging si yellow four okay lang kasi di na sila kilala ng mga bata ngayon pero ang sagot sa kahilingan kong partner sa buhay ay di ko inaasahan. ( Sure ka Lord??? siya talaga???!!! hahaha.) Pero, sigurado nga siya dahil sa dami ng kinareer ko aba ay sa kanya ako nag landing at iyon ay naging isang Jackpot.
Iyon ang simula at dahilan kung bakit hanggang ngayon ay gustong gusto kong isulat ang mga pangyayari sa aking buhay. Dahil laos na ang diary at uso na ang blog... aba ay hindi ako nagpahuli dyan. Nag umpisa ako sa xanga... nakakatuwa napractice ang English ko ang dami ko nakilalang iba ibang tao at kani kanilang hilig. Duon ako bininyagang " Lishell" Dahil na firewall sa aming opisina, nag blogspot ako. Mayroon siguro akong tatlong site na binuksan na hanggang ngayon ay walang laman. Naisipan ko ulit gumawa ng mapagpasyahan ko at ni jackpot na magtaling puso. Isinilang ang aming weddingsite na sadyang nakaka kilig gawin. Matapos ang aming kasal, muli akong gumawa ng isang blog patungkol sa bagong yugto ng buhay, ang buhay may asawa at sinilang ang cincodemayo2k7.blogspot.com. Patuloy pa din ang pagsusulat hanggang sa pansamantala itong natigil dahil sa aking pagkabusy sa ibang aspeto ng pagsulat... at iyon ay ang aking thesis.
At ngayon heto na naman ako at lumikha ng isa pang blog na may kakaibang tema. Mas malaya mas maliwanag na paglalahad. ANG HIMIG KO ay aking sariling awitin na sumasalamin sa aking pagkatao. Ang bawat titik ay kwento ng aking buhay, karanasan, at pangarap. Ang Himig ko ay isang publikong pahina at piraso ng aking katauhan na ibinabahagi ko sa lahat.
Ito pa lang ang simula.
No comments:
Post a Comment